MODERNONG KATIPUNERO
(Artikulo ukol sa "The Social Movement and the Current Political Scene") Ito na marahil ang nakagisnan ng ating henerasyon na uri ng lipunan na kung saan, bulok ang sistema sa gobyerno na ang tanging paraan lamang ay kilusan upang mapabatid sa nakaupo ang mga maling dapat nilang aksyunan. Ang eksenang paulit-ulit , lalaban para sa pinaglalaban, ngunit hindi naman mapapakinggan. Magwawagi't maaayos ngunit muli nanamang guguluhin. Sa kabila ng lahat na ito , patuloy padin sa pakikipag bak bakan ang mga kabataan at ilang organisyon sa pagtuwid ng baluktot na sistema ng pamahalaan, mga Modernong Katipunero, na nag hahangad ng kaayusan. Umusbong ang ilang mga grupong na may layuning bumuo ng kilusan upang ipaglaban ang sa tingin nila'y dapat ayusin sa bansa. Sa paglipas ng panahon, mas dumami pa ang mga naghangad na maging kabahagi ng mga grupong ito, magmula ng mamulat ang kasalukuyang henerasyon sa mga katiwaliang nagaganap...