LUNTIANG KAISIPAN

(Artikulo ukol sa "Ang kabastusan ng mga Pilipino")


             Sa Tuwing makakapanood ka ng isang pelikula o palabas, na mag papakita ng hubad na larawan o karakter, ano ang naiisip mo ? Sa tuwing makakabasa ka ng mga salitang nagbibigkas ng patungkol sa pagtatalik at paglalarawan ng ginagawa sa ritwal na paggawa ng bata , may naiisip ka bang kakaiba o may malisya? 


Noong panahon ng rehimeng marcos , sa panahon kung saan umiiral din ang gobyernong mapanlinlang at ginagawang tanga ang mga mamayan. Umusbong ang mga palabas o pelikulang tinatawag na "Bomba Films" . Ayon sa isang propesor , gingawa ito dahil noong panahong iyon, laganp na laganap ang mataas na pagtingin sa mga kalalakihan. Matatandaang ang pelikulang "Dekada 70" Ang babae ay hindi pinapahintulutang magtrabaho ng kaniyang asawa sapagkat nararapat lamang daw na ang lalaki ang nagtatrabaho. Marahil ito nadin ang dahilan kung bakit nag usubungan ang ibat ibant Bomba films, upang lituhin ang isipan ng mga mamamayan dahil sa masamang plano ng rehimeng marcos. 

Kung titingnan natin ang ibang anggulo, bakit pumatok ang Bomba Films sa mga tao noong panahon iyon, ay dahil nadin sa kabastusang taglay ng mga kalalakihan at marahil ng ilang mga kababaihan noon na tumangkilik sa mga pelikulang iyon. Nababaling ang kanilang mga kaisipan sa mapanlinalang na imaheng nang aakit sa mga ito.

Pananaw ng ilan, kapag ikaw ay nasangkot sa pelikula, sa litrato na nagpapakita ng konsepto ng pakikipagtalik o hubad na larawan mo, ikaw ay kanilang ituturing na madumi at walang dangal. Ngunit kung titingnan nating mabuti, walang masama sa pagpapakita ng hubad na larawan, at pakikipagtalik  dahil unang una sa lahat, lahat tayo'y may sariling katawan. May pare parehong Tite ang mga lalaki at mga Puday sa mga babae, May parehong suso, at dibdib , labi at kahit ano pang parte ng katawan. Ang pakikipagtalik na siyang tangina paraan ng natural na pagpaparami ng ating lahi at pagpapatuloy ng henerasyon  ay normal lamang kung tutuusin.  


Kung iisipin, pag iisip lamang ang nakaka apekto kung bakit nahihinuha ng isang tao sa kaniyang isip ang kabastusang ito. Sa ilang mga Artist , may tinatawag na "Nude Artist" , isa din akong pintor at kumukuha rin ako ng ilang mga litratong maari kong ipinta at maganda sa mundo ng mga pintor ang magpinta ka ng isang hubad na larawang ng tao. Naniniwala ang mga pintor na ang katawan ay isa ding uri ng sining , hinubog at ginawa gamit ang pag iisip at maaring gawing batayan ng isang obra maestra. 


Sa pagtatapos ng artikulong ito, mag iiwan ako ng katanungan, Luntian ba ang pag iisip mo ?

Comments

Popular Posts