BULOK NA PANANAW : Mga Lumang konsepto't pamantayan sa karakter ng pelikulang pinoy.

(Artikulo ukol sa "Si Kristo, Ronnie Poe, at iba pang idolo: Apat na pagpapahalaga sa dula at pelikulang pilipino.)



            Sa aking mundo bilang isang communication student, malaking parte o bahagi sa amin ang pelikula lalo na ang mga elemento nito sapgkat ito ang pangunahin naming gawain. Marahil ang iba sa inyo na kahit hindi communication student pero mahal na mahal ang pelikula at ang mundong ito, ay magiging isang kritiko nadin ng mga pelikula. Ika nga'y , lugi tayong mga indibidwal na mas hinihimay ang bawat bahagi ng pelikulang pinapanuod natin, mula sa kabuuan hanggang sa maliliit na detalye , na kung minsa'y hindi na natin gaanong naiintindihan ang palabas sapagkat naka pokus tayo sa mga aspetong iyon. Sa kasalukuyang Media, laganap na laganap na ang pag usbong ng iba't ibang maiikling pelikula na nagpapahayag ng iba't ibang pananaw. At hindi maikakailang mas kaakt akit panoorin ang mga ito kumpara sa mga nakagisnan nating palabas sa telebisyon. 


Siguro'y mga taong 2012 ng ako'y mamulat sa mga teleserye , bunsod nadin ng wala pang mga makabagong kagamitan noon kung kaya't mas nahilig kaming pamilya sa panonood ng mga palabas na ito. Habang tumatagal ay may mga bagong teleserye't mga programa ang lumalabas na patuloy at patuloy pading nagpapakita ng paarehong istorya. Kalimitan sa mga istoryang nakikita namin ay, "may isang mayaman, at may katulong silang mahirap, ngunit biglang may mangyayari na dahilan ng biglang pag ganda ng mahirap, at ang dating mayaman ay magiging pariwara at kung nais nilang pahabain ang istorya'y magbabalik ang mayaman at maghihiganti sa mapayapang buhay ng mahirap na naging mayaman" . Kalimitan ding nakikita ang pamantayan sa pelikula , kung iyong oobserbahan, walang mayamang maitim o walang dukhang maputi at ka aya aya ang itsura, Madalas kapag ikaw ay pangit at hindi marunong manamit ng maayos ay mababa ka sa lipunan. 

Ang mga bulok na konseptong ito'y nakuha noong panahon ng espanyol at amerikano , na kung saan unang nag si usbungan ang iba't ibang pelikula sa pilipinas. Karamihan sa mga pelikulang ito'y nagpapakita na ang mga kolonyal na lahi ang superyor , na kung saan sila'y mapuputi, makikinis at mayayaman. 

Isa sa halimbawa ng mga nagdaang palabas na maari nating ikonekta sa pamantayang ito, ay ang palabas na "Mari Mar" na pinagbidahan noon ni Marian Rivera at Dingdong Dantes. Matatandaang si Marimar ay simpleng babae na hindi laki sa layaw at si Sergio na isang mayamang lalaking anak ng mayamang magsasaka. Pinili ni Sergio na pakasalan si Marimar ngunit tutol ang kaniyang ama at ang kaniyang ina-inahan , na dahilan upang alipnin at pahiyain si Marimar. Lumipas ang istorya at Naging mayaman si Marimar , binili ang lupa ng ina inahan ni Sergio at siya namang naghiganti . 

Lumang pamantayan ang umiiral sa Telebisyon ng pilipino kung kaya't nararapat na na buwagin ang pamantayang ito. Sa mga susunod na henerasyon ng magpapatakbo ng mainstream media, nawa'y makapag labas tayo ng mga pelikulang makakapukaw ng isang mahusay na kahulugan at makapagbibigay ng kakaibang pamantayan sa pelikulang pilipino. 

Comments

Popular Posts