MODERNONG KATIPUNERO
(Artikulo ukol sa "The Social Movement and the Current Political Scene")
Ito na marahil ang nakagisnan ng ating henerasyon na uri ng lipunan na kung saan, bulok ang sistema sa gobyerno na ang tanging paraan lamang ay kilusan upang mapabatid sa nakaupo ang mga maling dapat nilang aksyunan. Ang eksenang paulit-ulit , lalaban para sa pinaglalaban, ngunit hindi naman mapapakinggan. Magwawagi't maaayos ngunit muli nanamang guguluhin. Sa kabila ng lahat na ito , patuloy padin sa pakikipag bak bakan ang mga kabataan at ilang organisyon sa pagtuwid ng baluktot na sistema ng pamahalaan, mga Modernong Katipunero, na nag hahangad ng kaayusan.
Umusbong ang ilang mga grupong na may layuning bumuo ng kilusan upang ipaglaban ang sa tingin nila'y dapat ayusin sa bansa. Sa paglipas ng panahon, mas dumami pa ang mga naghangad na maging kabahagi ng mga grupong ito, magmula ng mamulat ang kasalukuyang henerasyon sa mga katiwaliang nagaganap sa bansa. Umaalab ang damdamin sa tuwing napag uusapan ang pang aabuso sa mga mamamayan lalo na sa mga nasa laylayan. Sa ganitong eksena'y maaaring mabago ng mga susunod na magpapatakbo ng bansa ang kalagayang nais nilang maramdaman sa oras na sila naman ang nasa pwesto.
Matatandaan na ang kauna unahang pinakamalaking kilusan na naganap sa ating bansa , ay noong dekada 70, panahon ng panunugkulan ni Marcos. Nagising ang rebolusyonaryong damdamin ng bansa ng matapos ipatupad ang Martial Law, ay hindi na natpos ang iba't ibang kagimbal gimbal na pangyayari, at kabi kabilang pagpatay at pagpapahirap sa mga mamamayan. Naging malakas ang pwersa ng militar noon na dahilan upang abusuhin ang kanilang kapangyarihan. Dumating sa puntong , hinimok ng bawat isa ang kani kanilang mamamayan upang magsagawa ng pag aalsa upang wakasan ang karumal dumal na batas at mapatalsik si Marcos sa kaniyang pwesto.
Ikalawang Pag aalsang naganap ay noong kapanahunan ni Erap Estrada, taong 2001.Nag sama sama ang mga mamamayan upang mapatalsik si Estrada buhat ng mahayag ang talamak na pagnanakaw nito sa kaban ng bayan, kabilang na ang patuloy na pagkasira ng ekonomiya ng pilipinas. Ayon sa iilan, isa daw ang administrasyong Estrada sa mga pamamahalaang hindi gaanong naramdaman sa mga nagdaang kasaysayan ng pilipinas. Kung kaya't nag simulang mag tipon at mapatalsik ang dating pangulo mula sa pwesto.
Ang dalawang nabanggit na pag aalsa ay naging matagumpay sa tulong na din ng nag aalab na puso ng mga mamamayang naging kabilang dito.
Sa mga susunod na henerasyon, inaaasahan ng bawat isa ngayon na makakatamasa na sila ng mapayapang sistema. Ngunit hangga't may anomalyang nagaganap at magaganap sa bansa, ang mga Modernong Katipunero ang laging handang magbigay ng nag aalab na puso upang maituwid ang nakikitang baluktot.
Sa pagtatapos ng artikulong ito,mag iiwan ako ng isang retorikal na katanungan, na maari mong sagutin sa iyong sarili, magiging kabahagi o kabilang ka ba, sa mga Modernong Katipunero?
Comments
Post a Comment