SELDA NG KAALAMAN
(Artikulo ukol sa "Tranformative Education")
Sa loob ng Apat ng sulok ng silid aralan nagsisimula ang pagkatuto ng munting kaisipan. Dito nagsisimulang ibahagi ang kaalaman sa mga kaisipang nag sisimula pa lamang tahakin ang mundo ng kaalaman. Sa pagbabagong nagagawa ng ebolusyon , nadadagdagan ang kaalaman at mga pagkatuklas sa ating lipunan. Nariyang may mga hayag at mga tagong kaalamang nararapat malaman ng bawat isa sa atin. Kailangan lamang pakawalan ang utak, Sa Selda ng Kaalaman.
May mga kaalamang naituro sa atin noong tayo ay nasa mababang paaralan pa lamag, na sa loob ng maraming panahon ay nalagak sa ating isipan at patuloy na pinaniwalaan sa loob ng mahabang panahon. Madalas sa-ulo mo lamang ito ngunit kung tatanungin ng malalim hindi mo gaanong nauunawan. Sa paglipas ng panahon, unti unti kang namumulat sa mundo kung saan mas nag nanais kang tuklasin ang mga bagay na taliwas sa iyong kaisipan noon. Nariyang nalaman mong may kabilang mukha ang baryang tinitingnan mo. Nakita mo ang ibang parte ng kaalamang nakakubli sa dati mo nang nalaman. At naisip mong , tama ba ang tinuturo sa mababang paaralan ?
Sa aking unibersidad sa Polyteknikong Unibersidad ng Pilipinas, karamihan sa mga guro na aking nakikilala ay may sariling paraan ng pagtuturo na talaga namang napaka epektibo. Bagama't sumusunod sila sa syllabus na binibigay. lumilihis naman sila sa nakasanayang paraan ng pagtuturo ng isang guro. Kumpara sa mga nakaraang panahon, makikitang may pangilan ngilan nang nag binabago ang sistema ng edukasyon , na hindi na lamang dinadaan sa pag mememorya at pag sasa-ulo ng mga terminolohiya kundi ang pag intindi sa mga ito na talaga namang napaka epektibo kung aking masasabi bilang isang mag aaral.
Sa pagpapatuloy ng panahon, Maaring ang iba sa atin ay mamumuhay ng matahimik, ngunit ang ilang minulat sa kaalaman na hindi lamang nakakulong sa apat na sulok ng silid aralan, ay maaring magpatuloy ng mga kaalaman at mas iangat pa ang lebel nito . Maaring sila ang mag patuloy ng pagsasaliksik at pagpapalawig nito.
Pinupunto ng artikulong ito na intindihin nating mabuti na ang mga mag aaral ang siyang susunod na magpapatakbo ng ating bansa, kung ang paraan mo ng pagtuturo sa iyong estudyante ay para lamang sa numero na batayan ng kanilang katalinuhan, baka lumaking mangmang ang mga susunod na henerasyon, mas maiging ilagay sa kanilang isipan na bagama't mahalaga ang numero , mas mahalaga naman na mas naiintindihan ang tinuturo mo at hindi mo kinukulong ang kanilang kaisipan sa Selda ng apat na sulok ng silid aralan.
Sa pagtatapos ng artikulong ito, mag iiwana ko ng katanungan, Handa ka na bang pakawalan mula sa selda ang mga kaisipan ?
Comments
Post a Comment