MAKAPANGYARIHANG WIKA

(Artikulo ukol sa "Wika ng Kapangyarihan, Kapangyarihan ng Wika")


             Marahil ang iba sa inyong mga mambabasa ay naeenganyo sa tuwing nakababasa ng mga akda o artikulong nakasalin sa ibang wika , at marahil ang iba sa atin, bagama't mahal ang sariling wika ay nagnanais padin matutunan ang wika ng ibang lahi . Sa modernong panahon, mas lumalakas na ang kapangyarihan ng sarili nating wika kumpara noong mga panahon na tila maliban sa pagiging mayaman at eletista'y ingles ang naging basehan ng mga tao upang tingnan ang intelektwalidad ng isang tao. Himayin natin kung pano naging makapangyarihan ang wika at kung paano eto kumokontrol sa isang lipunan.


" Ang wika ang nagsisilbing pundasyon ng lahat para magkaroon ng komunikasyon sa mga nakapaligid sa atin. Kung wala ito ang mundo ay magkakagulo at ‘di magkakaunawaan. ". Totoong wika ang isa sa mga armas na maari nating gamitin sa Digmaang Dunong ang Sandata. Wika ang pinakamabisang paraan upang maipahayag ng deretsahan ang kaalaman o mensaheng nais iparating. Wika din ang pundasyon ng isang bansa upang magbuklod at maging isang matibay na nasyon.
Ginamit ng mga Espanyol noon ang Wika upang makontrol ang bansa sa loob ng napakahabang taon ng pananakop nila. Matatatandaang sa pagtalakay natin sa kasaysayan sa buhay ni Rizal, na kung saan ay nakapaloob padin sila sa kamay ng espanyol. Lahat ng mga akda at sulatin maging ang mga palabas at programa sa radyo at telebisyon ay nakasalin lahat sa wikang espanyol . Maging ang sistema ng pagtuturo noon ay sa espanyol at nararapat na matuto ang bawat isa ng wika ng mga mananakop upang makitang may mataas na antas sa lipunan at makitang may dunong. 
Ganito rin ang tagpong naganap sa mahabang pagkaka alipin ng Pilipinas sa kamay ng mga amerikano. Gamit ang estratihiyang paggamit ng edukasyon upang malinis ang utak ng mga pilipino at isiping ang amerikano kasama ang kanilang wika ang superyor at makapangyarihan, na matalino ka kapag ma alam ka sa ingles. 

Sa panahon ngayon, laganap na laganap padin ang kaisipang ito lalong lalo na sa ilang indibidwal . Na sa tuwing nagpapaliwanag ay kinakailangang may ingles na kasama upang mas magmukhang kapani paniwala ang sinasabi. Na sa tuwing ikaw ay mag sasalita ng salitang nakasalin sa pilipino ay mas bastos o hindi magandang pakinggan kumpara sa ingles na mas pina arte lamang ang bigkas . 

Paano mo mapapa unlad ang Wika mo , ang wikang filipino ? Narito ang ilan sa mga kasagutang maaring mong isabuhay upang mas maging makapangyarihan ang ating wika.

PAGGAMIT AT PAG AARAL NG SARILING WIKA.
-Ang baybayin ang opsiyal na sariling wika at pagsulat ng ating alpabeto, Kung paiigtingin ang paglinang sa paggmit nito at pag aaral ng ibang wikang filipino ay mas malilinang mo ang wika natin.

PAKIKIPAG USAP AT PAKIKIPAG KOMUNIKASYON GAMIT ANG WIKA
-Ang mga bansa tulad ng Japan, Korea lalo na ng America ay gumagamit ng kanilang sariling wika sa pakikipag usap sa ibang bansa kung kaya't mas lumalawak ang sakop ng kanilang wika dahil nadin sa pagkakaroon ng interes ng mga banyaga sa kanilang wika. Maging sa lokal na komunidad, ang pakikipag usap sa kapwa pilipino ng sariling wika ay makakatulong upang ma engganyo silang gamitin ang sarili nating wika.


PAGGAWA NG LIBRO,ARTIKULO O PELIKULANG GAMIT ANG SARILING WIKA.
-Sa paggamit ng wika sa mga nagay na ito, maipapahayag natin kung gaano kaganda ang likha ng ating lahi. Maipapahayag natin at mahihikayat ang mga banyagang pag aralan ang ating wika ng sa gayo'y mas maintindihan nila ang magagandang obra maestrang nakasalin sa wikang Filipino.


Sa pagtatapos ng Artikulong ito, Mag iiwan ako ng katanungan, Hindi mo ba naisip na maglaan ng oras upang pag aralan ang Baybayin at ibang salitang Filipino?


References:


“Kahalagahan Ng Wika.” Pinoy Newbie, Pinoy Newbie, 29 Apr. 2018, www.pinoynewbie.com/2018/04/29/kahalagahan-ng-wika/. Ang wika ang nagsisilbing pundasyon ng lahat para magkaroon ng kominikasyon sa mga nakapaligid sa atin. Kung wala ito ang mundo ay magkakagulo at ‘di magkakaunawaan.


Austria, Jeff. “Kasaysayan Ng Wikang Pambansa Sa Panahon Ng Kastila at Rebolusyon.” Slide Share, 17 Oct. 2017, www.slideshare.net/JeffAustria/kasaysayan-ng-wikang-pambansa-sa-panahon-ng-kastila-at-rebolusyon.




Comments

Popular Posts