SANDATA NG MGA ANAKPAWIS
(Artikulo ukol sa "Literatuta ng Uring Anakpawis)
Kaakibat ng iba't ibang mga lumalaganap na kagaguhan sa gobyerno , kasama ang korapsiyon, kasakiman sa kapangyarihan at pagsasabatas ng mga batas na wala naman talagang maitutulong sa pag unlad ng bansa, ay mga kababayan tayong mas lalong nadidiin na mga nasa laylayan ng lipunan . Mga taong walang magawa kundi tupdin ang naatas na gawain ng mga mapang abusong may kapangyarihan. Mga taong kung tawagi'y mga Anak pawis.
Naglipana ang iba't ibang mga indibidwal na sila naring nagsilbi bilang boses ng mga naapi. Gumamit ng iba't ibang estratihiya ang ilan sa kanila, kabilang na ang sama samang kilusan tulad ng mga aktibista upang harap at hayagang maipahayag sa pamahalaan ang boses na ginagamit nila para sa iilan. May mga ilan namang nagpatuloy ng nasimulan ni Dr. Jose Rizal , na gamit ang mga sulatin at babasahin ay maipapahayag ang mga boses .
Sa panahon ngayon, mas dumadami na ang mga indibidwal na nagpapahayag ng mga saloobin at opinyon na nagsisilbing pambato ng mga nasa laylayan upang ma-ihagis sa mga nakapikit na mata ng mga nasa taas at umaabuso sa kapangyarihan. Mas dumadami ang nagkakainteres gumawa ng iba't ibang pahayag na mas lalong nagpapagising din ng damdamin hindi lang mga nasa laylayan kundi pati nadin sa mga mamayang nagnanais ng pagkakakpantay pantay.
Ito marahil ang isa din sa mga pakinabang ng Social Media at ilang mga Blog sites na nagbibgay ng kalayaan sa ilang mga indibidwal na gumawa ng sariling artikulo o makapagpahayag ng maikling sanay at madaling mababasa at maipapakalat sa panahon ngayon. Naibabalik nadin ang kahalagahan ng pahayagan sa bansa na kung saan nagiging kabahagi nadin ang mga journalist sa pagakamit ng pagkakapantay pantay sa bansa.
Sa pagtatapos ng artikulong ito, mag iiwan ako ng katanungan, Isa ka din bang Sandata ng mga anak pawis?
Comments
Post a Comment