MUNDONG PAMPALUBAG LOOB.
https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcR4OUl1WV9EE4hfstF_EFQv7us_uD-vHk4A1VQss2ahJ7AmwpA5 |
(Artikulo ukol sa " Blog ang Mundo:Pagsasalsal at Pakikibaka sa Internet")
Blog site, Twitter, Facebook. Ito ang mga kilalang tampulan ng mga konsepto, kaisipan, pahayag , nararamdan at maging ang mga argumentong nais ilabas sa publiko. Dito nagsisimula ang katapangang lumalalabas sa isang takot na indibidwal sa pakikibaka niya sa tunay na mundo.
Bagama't may mga pagkakataon na kung saan may ilang nagkokomento sa inilalagay mo sa post mong iyon. Dito din nahuhubog ang iyong pag iisip na mabilis na maglabas ng balik na pahayag.
Matatawag na Mundong Pampalubag loob ang Internet at ibang "Social Media Platforms" Sapagkat dito natin naipapahayag hindi lang ang mga kaisipan kundi pati nadin ang ating mga hinanakit sa pang araw araw na buhay. Pinipili nating hindi mag banggit ng kung sino man ng sa gayon ay hindi ito mag ugat sa matinding argumento at kahihiyan.
Dumako tayo sa pagiging pampalubag loob ng internet sa pagsagot sa problemang panlipunan. Natalakay sa report ng kaklase namin noon na may mga iilang naglalagay ng post patungkol sa pakiki isa nila sa pakikiba ng iba't ibang grupong aktibista, ngunit hindi mo naman sila mamamataang nandoon o ni hindi man lamang naging kabahagi ng aktibidad sa kilusang ipaglaban ang kung ano man ang ipinaglalaban ng isang tunay na aktibista. Ginagamit ang internet na pampalubag loob upang mai hayag ang galit ng hindi sa tunay na mundo.
Sa kabilang banda, ang paggamit ng Blog site at ibang Social Media platforms ay nagbibigay ng magandang dulot sa kamalayan ng bawat indibidwal na gumagamit nito. Mas nagiging malikhain ang mga gumagamit nito na kung saan hindi lamang umiikot sa iisang paksa ang kanilang natatalakay at mas napapalawig nila ang kanilang pag iisip. Unti-unti nading umuunlad ang Mundo ng Blogging marahil nadin ay nagsawa ang karamihan sa "black and white" na balita na nangangahulugang umiikot lamang ang kaisipan sa iisang paksa at hindi nabibigyang kulay ang ibang kaalamang nakapaloob dito. Darating ang araw na maaring maging kabahagi na ang bawat isa sa mundong pampalubag ng loob na ito.
Sa pagtatapos ng artikulong ito, mag iiwan ako ng katanungan, nanaisin mo bang manatili sa Mundong Pampalubag loob?
References:
Gonzales, V. 2005. Blog: Pagmamapa ng kamalayan sa isang hypertextual na Medium.
https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcR4OUl1WV9EE4hfstF_EFQv7us_uD-vHk4A1VQss2ahJ7AmwpA5
“Sa Gantong Paraan Magagamit Ang Blog Para Mapalaganap.” Coursehero, www.coursehero.com/file/p5ah9gmd/Sa-gantong-paraan-magagamit-ang-blog-para-mapalaganap-ang-wikang-Filipino/. Ang blogging ay onti-onting umuunlad tungo sa isang panibagong siglo kung saan ito aymas pinapaboran ng ilang Filipino marahil sawa na ito sa mga balitang “black-and-white”, kungsaan ang mga blog na hindi nakakadena ang mga salitang ginagamit ay nagbibigay kulay sa mgabalitang ito. Sa panahon ngayon na mas nagiging aksesibol ang Internet at mga kompyuter, hindinalalayo ang panahon kung saan ay lahat parte na ng komunidad na ito.
Comments
Post a Comment