TUKTOK NG LUHO
(Artikulo ukol sa"Bakit Asal Mayaman si Pedrong Maralita")
Marami sa atin ang nagnanais na makabangon mula sa kahirapan. Marami ang nangangarap na sila'y makakatungtong sa tuktok ng tanggumpay. Sa panahon ngayon, marami sa atin na nais makaranas ng marangyang pamumuhay. Kung minsan ginagawa na nila ang lahat kahit masimot man ang sweldong Ilang linggo din pinaghirapan, mabili lang ang luho at makasabay sa papa usbong na panahon. Kung minsan ay nangungutang, para lamang mabili ang gamit na hindi naman esensyal sa buhay ngunit nais lamang sapagkat tingin niya'y napag iiwanan siya. Bakit nga ba sa panahon ngayo'y mas nais ng ibang akyatin ang tuktok ng luho, imbes na tuktok ng tagumpay?
Sa panahon ngayon, kung ano ang nakikita nila sa mga idolo nila at mga eletista nilalang ay siyang gagayahin at pipiliting makamit ng isang indibidwal kahit hindi naman niya ka antas ang pinagmulan. Karamihan sa kanila'y bumibili ng mga imitasyon na damit na nagmula pa sa divisoria, baclaran at kahit saang lugar na may mura at gayang gaya ang mga damit na nais nila. Karaniwang nagmula ang konsepto ng pananamit sa ating bansa sa tuwing may artista o personalidad mula sa ibang bansa ang biglang sisikat at makikilala dito sa ating bansa. Isang halimbawa nito , ay ang pag usbong ng iba't ibang mga rapper sa ibang bansa kasama ng estilo nila sa pananamit dahilan upang mag evolve ang mga jejemons into "Hypebeast" . Mga nilalang na nagsusuot ng mga "branded" na mumurahing damit para lamang magaya ang mga sumikat na idolo. Kasama sa mga ginagaya nito ay ang mga alahas at kung ano anong palamuti sa katawan, na kanila namang nabibili sa bangketa sa halagang 50 pesos.
Makikita din na sa pag pasok ng iba't ibang Korean Pop Groups ay siya ding kabaliwan at paghahangad na maging katulad sila ng iniidolo nila. Nariyang may mga kulay kahoy na balat na indibidwal ang magpapakulay ng blonde sa buhok at magsusuot ng fitted ripped jeans kasama ang pantaas na jacket na may mga kadena na kahit sobrang init sa pinas , sa ngalan ng KPop ay gagawin ang lahat.
Dumako tayo sa ilang mga indibidwal na , hindi naman naimpluwensiyahan ng kahit na sinong biglang sikat sa pilipinas mula sa ibang bansa. Ngunit mga tambay sa Social Media na kung saan nila natutunghayan ang gawain ng ilang mayayang personalidad na kanilang nakikita. Isang linggo matapos makuha ang kanilang Sweldo o makapag ipon mula sa Isang lingong Baong binibigay ng kanilang magulang, mamamataan ang mga ito sa mga kilalang establisimento (Starbucks, J.co etc.) upang bumili ng abot sa kanilang budget para lamang may mai post sa kanilang Social Media.
Hindi lamang tungkol sa pisikal at materyalismong bagay ang tinutukoy na luho sa tuktok na pilit na inaakyat ng iba sa atin. Nariyan din ang Uri ng edukasyon na patuloy na naka lagak sa isipan ng mga naunang henerasyon sa atin. Na kapag ikaw ay nag aral sa magandang paaralan kahit na scholar ka o simpleng mamamayan lamang ay isa kang matalino, mayaman at may mataas na antas sa lipunan . Ang kaisipang ito ay maririnig natin sa ilang matatanda at maging sa magulang natin na minsa'y ipinipilit nila kahit labag sa ating kalooban. Nagdudulot ito ng impluwensiya sa ibang indibidwal upang maging eletista at isiping pera ang sagot sa mataas na edukasyon.
Sa panahon ngayon, bagama't marami padin sa atin ang patuloy na gumagawa ng mga nabanggit na gawain ng isang sabay sa luho na indibidwal, dapat parin na ilagay sa isip na mas maganda at mas maganda sa mata at pandinig kung ikaw ay nakatayo sa tuktok ng tagumpay.
Sa pagtatapos ng artikulong ito, mag iiwan ako ng katanungan. Anong tuktok ang sa tingin mo'y sinusubukan mong akyatin sa panahon ngayon ?
References:
Ching, Mark Angelo. “18 Undeniable Signs That You're A Pinoy Social Climber.” BuzzFeed, 18 Nov. 2017, 3:24 a.m, www.buzzfeed.com/markching/starbucks-planner-pa-more.
https://amp.businessinsider.com/images/5a5383f1c32ae66b1a8b4c72-750-563.jpg
Comments
Post a Comment