TANIKALANG PINOY

(Artikulo ukol sa "Edukasyong Kolonyal: Sanhi at Bunga ng Mahabang Pagkaka alipin ")


            Matagal na panahon na mula noong tayo ay nasimulang sakupin ng iba't ibang lahi at maging alipin ang ating bayan .  Magmula pa noo'y naging bahag ang buntot ng ating mga kababayan upang patalsikin ang mga mananakop na umaabuso sa mga yaman at ginagawang alipin ang mga mamamayan. Kung ating iisipin, marahil noon pa lamang ay dapat na naging isang malayang bansa na tayo at hindi na kailangan pang dumipende sa ibang bansa. Ang tanong ngayon, ano nga ba ang tunay na dahilan kung bakit matagal na pumulupot ang tanikala sa mga pinoy sa mahabang panahon?


Ang mga Español ang kauna unahang lahi na sumakop sa atin sa loob ng mahabang panahon. Magmula pa noong dumaong ang barko at lupon ni Magellan na ang pangunahing dahilan ay ang pagka padpad lamang ng hindi sadya sapagkat ang tunay nilang layunin ay ang tuntunin ang "Spice Island" . Sa pangyayaring iyon nag hudyat ang pananakop ng kastila sa ating bansa. Lumaganap ang kristyanismo at pamayanang itinayo ng mga kastila at maging ang ngalan ng ating bansang "Pilipinas" ay mula sa ngalang ni Haring Felipe II bilang parangal sa hari ng espanya. Ninais nina Magellan na mas paangatin pa ang kaniyang kapangyarihan at mamuno sa buong kapuluuan dahilan upang umusbong ang digmaan sa pagitan niya at ni Lapu-lapu na na noo'y pinuno ng Cebu.

umabot hanggang 1898 ang pananakop ng mga ito na mas naging dahilan pa ng lalong paghigpit ng tanikala ng mga pinoy, pinatupad ang Tributo na nagdulot sa mga magsasaka na mag tanim ng labis upang makabayad dito, kumalat ang kaisipang espanyol sa loob ng mahabang panahong iyon. 

Matapos ang mahabang pananakop ng espanyol, Dumating ang mga amerikano na ang estratihiya sa pananakop ay magpakilalang mga kaibigan. May 1, 1898 ng magsimula ang Battle of Manila bay sa pamumuno ni Commodore Dewey, Asst. Sec. of the Navy na kung saan 10 barko ng Kastila ang nawasak kasama ang 381 na tauhan nito. Ipinapakita lamang na sadyang napakalakas ng mga Amerikano at may kakayananang sakupin ang isang bansa . Ginamit ng Amerikano ang edukasyon bilang isa sa mga daan upang mailagay sa isipan ng mga pilipino na ang mga amerikano ang superyor, ang mga produkto ng amerikano ang dapat tangkilikin, na ang ingles ay maging dapat batayan ng pagiging angat sa lipunan noon.



Matapos Malagdaan ni Heneral Emilio Aguinaldo ang Kasunduang pangkalayaan sa espanya , ito pa lamang ang simula ng pagkakaalipin ng pinoy sa kamay ng mga amerikano.
1941 ng atakihin ng Hapon ang Pearl Harbor na isa din sa mga sumakop sa ating bansa. Dahil nga kaibigan "di Umano " ng mga mapagpanggap na amerikano ang pilipinas, Binigyan nito ng Kalayaan ang pilipinas upang magkaroon ng sariling gobyerno na siya namang sinira ng mga hapon sa kanilang pananakop sa bansa. Dito naganap ang di makataong pamamaraan ng mga hapon, kasama na ang kilalang Death March na karamihan sa 36,000 na tagapagtanggol ng Bataan ay namatay at sumuko kay Gen, Yamashita.

Muling nanumbalik ang kalayaan ng Pilipino sa kamay ng hapon ng bumalik muli ang amerikano sa pilipinas na siya namang pagpapatuloy ng pagpalupot ng tanikalang pinoy sa pilipinas. 

Si Manuel Roxas ang noo'y naging pangulo sa Gobyerno na kontrolado padin ng Amerikano. Nauto si Roxas at naipatupad ang "Batas Bell" na kung saan, bibigyan ng $800 million ang pilipinas upang ayusin ang imprastraktura at ari ariang nasira sa World War II kapalit ang pag amenda ng 1935 na konstistusyon ng pilipinas , o ang pagbibigay kalayaan sa Amerikano na abusuhin ang yaman at ari arian ng Pilipinas. Pati nadin ang pag usbong ng Kasunduang US-RP na nagbibigay pahintulot sa mapang abusong Amerikano na gamitin ang pilipinas bilang base militar nila. 

Nagpatuloy ang katutaang ito ng pilipinas sa pagdaan ng ilang mga pangulo na nagptupad ng mga batas na mas lalong nagpapahigpit ng tanikalang nakapulupot sa pilipinas. 

Sa kasalukuyang panahon, mariing ipinaglalaban ng mamayan ng bansa ang demokrasya, at ang pag alis at pagdepende ng gobyerno ng pilipinas sa ibang bansa. Bagama't may mga ilang pangulong tumaliwas sa nais ng ibang bansa, nagpatupad naman sila ng batas na siya ring nakasira sa pamamalakad sa bansa. 


Sa pagtatapos ng Blog na ito, mag iiwan ako ng katanungan, Bilang isang mamayan ng pilipinas, ano ang magagawa mo sa katayuan mo upang mapalaya ang bansa sa katangahan at katutaang ginagawa ng mga namamahala ?


References :

kaye. “Ang Pananakop Ng Mga Dayuhan.” Tripod, kaye-socialsci.tripod.com/id2.html.



“Bell Trade Act.” Wikipedia, en.wikipedia.org/wiki/Bell_Trade_Act. The United States Congress offered $800 million for post World War II rebuilding funds if the Bell Trade Act was ratified by the Philippine Congress. The specifics of the act required the 1935 Constitution of the Philippines be amended.

“The RP-US Military Bases Agreement.” Wordpress, Scribblingblues, 1 Feb. 2011, scribblingblues.wordpress.com/2011/02/01/the-rp-us-military-bases-agreement/.




Comments

Popular Posts